Insomnia

Tatahan. Kakampay.

Tatahan. Kakampay.

Makakaalalang bigla, sa tala sa langit.

Ako ang unang bumabangon,

at ang huling nahihimbing.

 

Mga lumiligid na pagkakataon,

bumibitaw ng pilit.

Sumusugal. Sinasanay.

Isinusugal. Sinasanay.

Ako ang unang bumabangon,

at ang huling nahihimbing.

 

Niyayakap ang mga saglit,

ng sinusukli mong mga hamon.

Ako ang unang bumabangon,

at ang huling nahihimbing.

 

Minamasdan ang kulay mo,

sa mga mumunting kahon.

At ngayong napinid ang pinto,

at wala nang masisilip,

mula sa’yo – mula sa akin,

iduduyan nalang sa muling pagguhit.

Ako ang unang bumabangon,

at ang huling nahihimbing.

 

Sa bawat  pag-bukangliwayway,

hanggang sa ganap na pagpanaw,

sa mga tila patay na sandali,

na hindi mo mapapansing –-

 

Ako ang unang bumabangon,

at ang huling nahihimbing.

July 2009

photo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s