Bu[g]bog

Nanaginip akong sinasaktan mo ko. Anlakas at antatag ng presensya mo sa mga lumilipas na saglit. Maraming tauhan sa mga serye ng tagpuan. Ni hindi kita nakasama ng masinsinan. Natatanaw lang kitang dumadating, dumadaan, nawawala.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako. Ngunit sa paggising, pinilit kong bumalik sa pagidlip  para makasama ka sa gitna ng aking paghilik – humahalo ang metaporikang paghikbi.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako.
At tinuloy ko pa rin ang sumosobrang tulog. Naisip ko kasi, wala rin naman itong pinagkaiba sa mundong gising. Pumapantay sa iisang patag ang mga sugat na dulot mo – sa panaginip man o sa pagkamulat.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako.
At hindi ako natakot na balikan ang mga eksenang naroroon ka. Malupit din naman ang mundo sa kabila – sa bukas na mga alkansya. Pareho lang naman akong pinalalaklak ng bubog – sa panaginip man o sa katotohanan.

Nanaginip akong sinasasaktan mo ako.
Dumudugo na ang lalamunan at kalamnan ko. Hindi ko alam kung kailan ko huhubarin ang piring sa mga mugtong matang ito. Hindi ko sigurado kung kalian ako muling mabubuo.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako.
At habang nilalasahan ko ang kathang-isip na ikaw, patuloy ka pa rin sa pagsampal sa akin na hindi ikaw ang magpapaka-bayaning bumuo uli sa mga nabasag kong piraso.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako.
Malalim ang mga sugat. Masalimuot ang pinaghuhugutan.
Lumalabo ang pigura mo sa katotohanan.
Ayaw mong magpakilala. Mabilis kang nahulog – at masmabilis kang kumawala.
Tara at doon natin sukatin kung gaano ka nga ba nagmahal.

Nanaginip akong sinasaktan mo ako.
Nananaginip at nabubuhay akong nagmamahal.
Sa nananakit.
Na.
Ikaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s