Si Pacita

Madalas ko pa rin siyang makita
Binabanat ko ang mga ugat
Hinihilig ko ang pagtanaw
Dahan-dahang sinasalat

Mugto kong tinititigan si pacita
Sinasamsam ang mga alaala
Na lulan niya sa tahimik na ulirat

Sumasamo ako kay pacita
Sa kada dapit hapon
Pinipilit kong kalimutan
Ngunit nagmamahal ako ngayon

Nagmamahal ako pacita
Kailan kaya niya makikita?
Kailan kaya niya maaalala?

Kailan kaya siya maniniwala?

Lumagpas na si pacita
Nakatungtong sa makukunat na tuhod
Lumuluha kong tinunton
Ang duyang bibitbit sakin pauwi

Wala akong permiso
Na kay pacita kumalong

Hinehele na ako ng pagkakataon
Nasayang
Ang mga tangangย hiling

Hindi siya aabot kay pacita
Ayaw niya kong ihatid sa kahapon
Ngunit patuloy akong iibig
Sisimutin ko ang mga bukal ng panibugho
sa bawat sulok nyang sawi

Pinupunan ng kirot
ang mga iginuhit kong puwang
Tatanggapin ba niya pacita
kung nilikha akong mahuna?

Titiisin kong masugatan kay pacita
yapusin lang ng tugon ang lulang alkansiya
Nagmamahal ako pacita
Kailan kaya niya makikita?
Kailan kaya niya maaalala?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s