Nakayakap ang giftwrapper sa dilim.

“There’s time to spare. This is one of the things I wasn’t prepared for – the amount of unfilled time, the long parenthesis of nothing.”

–Atwood, Margaret.

Biglaan ang paglukso ng puso ko; nakakapigtal ng paghinga – parang nanggigigil, kumikitil… Biglang talon ng puso ko – nanikip ang pagsagap ng umaga. Matagal akong nakatulala sa malawig na pisara ng mga imaheng nakakaduling, nakakahilo, nakakapaso… matagal akong nakatulala, nakatunganga, nagtataka.

Madalas ay nababasa ko ang ibig ipahiwatig ng mga talinghaga niya. Ngunit sa pagkakataong ito, matagal akong napa-tanga. Nakakabobo. Alam kong alam ko to. Pero ano? Siya ba ito? O ako?

Masakit pa rin ang dibdib ko. Dahil sa biglang lundag ng puso ko – sing bilis ng pagtalon niya papasok, palabas, papasok uli, at palabas sa mundo ko. Ang bilis… ang tulin ng pagdabog ng puso ko. Naalala ko tuloy ang mga araw na titingin siya sakin, huwag ko raw siyang asarin. Ang bilis… ang tulin…

Dahan-dahan kong pinapakalma ang pagtulak ng dugo sa aking sistema. Alam ko dapat ang sagot sa bugtong niya.

Namilog ang mala-alkansya kong mga mata.

Ako ang bigong ilang panahon nang natututong mamaluktot sa iksi ng kumot. Walang hangaring magtalukbong, matapang kong tinititigan ang mundo, sa iisang anggulo. Kung saan bumato ang kamulatan ng mga mata ko, pagmamasdan ko. Hanggang unti-unting malusaw ang oras na malupit na hinahampas sakin ng relo sa aking kanan.

Abala akong tao. Bihirang mabakante ang mga ginintuan kong minuto. Luho ang pagdantay ng aking ulo sa kahit saan, upang payagang lumatag ang talukap ng aking mga mata at pansamantalang dumuyan sa kawalan ang hapo kong isipan.

Pero ang hindi nila alam – marahil hindi rin niya alam, abala man o hindi, ganoon ako gabi-gabi.

Mag-isa man o hindi. Ganoon ako gabi-gabi. Dinidilat ang mugtong alkansya, nirerepaso ang mga naipong barya, sa mahigit dalawang dekadang pag-iisa. Alam kong nandyan Siya. Alam kong nandyan Siya.

Siya rin  ang lubos na nakakabasa sa nanlalabo kong puso. Niluma ng panahon, pinalungkot ng mga kahapon. Hitik sa biyaya ang buhay ko. Kailanman, hindi ko inisip na tinatatwa ako ni kapalaran kung bakit ang puno-sa-biyaya kong mundo ay may madidilim na yugto.

Alam kong nandyan Siya. Kahit masyado na kong nanghihina. Alam kong nandyan Siya. Kaya binibigyan Niya ako ng laya. Ganap at sinsero, hawig ng pag-ibig Niyang walang kondisyon, di gaya ng mga tao. Alam kong nandyan Siya. Kahit araw-araw ko Siyang pinaluluha. Alam kong nandyan Siya. Na kahit hinihibang na ko sa mga bali-balikong paglundag ng marupok kong puso, nandyan Siya para saluhin ako.

Ngunit ang pares ng alkansya ay nakatitig pa rin sa isang tabi, malabo ang makaaninag ng ngiti sa malamig at patlang kong mga labi. Alam kong nandyan Siya. Pero marahil sa dami ng mga lipas na kuwentong humamon sa kapasidad kong magmahal – ganito na lang talaga ako gabi-gabi.

At kahit madalas akong mawala, alam ko ring andyan ka.

May tangan ding barya, dahil may sarili kang pares ng namumugtong alkansya.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s