Giyang

“Giniyang ka na naman
Beer ang nasa isipan
Tumakbo ka sa tindahan
Baka ka maubusan
Huwag naman sana“*

Hindi ako umiinom. Kahit halos gabi-gabi, red horse tsaka SMB yung katabi ko, tapos sobrang naghihinampo yung baso ko ng iced tea dahil naa-out of place daw siya, wala akong pakielam. Que se hoda kung out of place ang baso ko. Hindi naman siya nakakaramdam tulad ko.

Minsan din naisip ko, sana ako nalang yung baso. Hindi naman niya kasalanan kung iced tea yung naibuhos sa kaniya at hindi serbesa kaya hindi siya mabenta. Pero pag tao ka, choice mo lahat. Choice ko kung di man ako umiinom, kung di ako feminine, kung di ako matured pumorma, kung di ako kumakanta, kung di ako soft-spoken, kung di ako nagd-drugs, kung di ako nagyoyosi, kung virgin pa ko, kung di ako belly-dancer, kung di ako fan ni Sharon Cuneta, kung di ako marunong mag-gitara, at kung anu-anu pa na hindi ako.

Beer-Bottles-Hd-Addictive-10-unusual-ways-to-use-beer

Mahilig ako sa kape. Kung may dahilan kung bakit ako gigiyang-giyang minsan, kape yun at hindi beer.

Sabagay, medyo magkapatid naman kasi ang kape at alak in many respect, base sa kung anong alam kong epekto ng alak sa tao. Una, pareho silang nakaka-addict. Hahanap-hanapin mo kahit alam mong masama ang sobra nito.

Kaninang umaga, para akong naglasing: sa kape syempre. At take note: may pulutan din akong camaron. At take note ulit: nagsuka din ako pagkatapos lumaklak. At take note ulit: naparami ang inom ko dahil sa problema gaya ng mga tipikal na nagigiyang sa alak. Oo, parang alak, parang beer. Tagay. Yung walang humpay na tagay ng inuming hawak-hawak mo na kasi. Parang ganun.

Hindi nga lang nakalalasing ang kape. Immune na rin ako sa usual waking effect nito, pero walang ligtas ang mabilis na pagpintig ng puso ko. Umiiyak si Roadrunner pag nagsimula nang umarangkada ang dibdib ko dahil sa kape.

Hindi nakalalasing ang kape, pero gaya daw ng alak ang tindi ng dosage mo sa caffeine kapag adik ka na dito. Kaya eto, buong araw akong nagpa-palpitate dahil sa kape.

Bakit nga ba may mga taong hindi magawang iwanan ang serbesa? Alak? O kape? Bakit kapag may problema ang isa, madalas niyang mahanap ang panandaliang comfort niya sa mga ito? Yung ingredients ba niya pwedeng ibudbod sa mga readings natin o kaya sa mga math equations, so that we can find comfort in these too?

Yung naramdaman ko kanina, di ko talaga mapigilang i-equate sa paglalasing. Yung beer ang pangit ng lasa, pero sumasarap kapag badtrip ka. Yung kape kanina nag-aapoy sa init, pero hindi ako napapaso dahil nag-aapoy ako sa galit. Kaya di ko namalayan na dire-diretso na pala akong uminom; at pag taob ng mug ay mabilis pa sa kindat yung pagtimpla ko ng panibagong tasa nito.

Hindi ko alam kung nakailan ako. Nangibabaw kasi yung emosyon ko. Ang naalala ko nalang, huminto ako nung umakyat na yung kape sa lalamunan ko at tumakbo na ako sa banyo.

Pero naisip kong bigla, hindi kaya ikaw ang pamosong kape na hindi ko magawang alisin sa buhay ko? Kasi sa tuwing susubukan ko, parang ang laki ng kulang sakin; tsaka kahit sobrang nakakapaso ka na, patuloy pa rin ako sa pagkonsumo; tsaka kahit lumalamig na ang tubig sa takure, pinipilit ko pa rin lusawin lahat-lahat para lang makatimpla pa ng isa; kasi addicted na nga ako dito.

Hindi kaya ikaw ang elusive na kape sa buhay ko?

Ikaw kaya ang kapeng dahilan at gigiyang-giyang ako? Na kahit sinuka na kita kaninang umaga sa inidoro, andito ako ngayon, nagpupuyat kahit maaga ang gising ko, walang hapunan na dumapo sa sikmurang gutom, at ang pinakanakakabaliw at nakakahiya pa nito, nakaka-tatlong tasa na ako…

“Hindi ka na nadala
Ayan tuloy, semplang ang iyong abot
Gusto mong lumanding
Iyan tuloy, ika’y napa-swimming”*

*Giyang, Razorback

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s